Picture
Shiva- si Shiva ay kinikilalang diyos na nagbibigay liwanag sa mga prinsipyo sa buhay at siya rin ay kinikilalang tagapuksa ng mga Hindu. Siya rin ang kataas-taasang diyos ng mga Hindu. ang mga tagasunod ng Hinduismo na sumasamba kay Shiva ay tinatawag na Shaivite o Shaiva  (Sanskrit Śaiva). At sinasamba si Shiva sa anyo ng Shiva linga.

Picture
Hinduism- ang Hinduismo ay ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at ang pangunahing relihiyon sa India. Nang dahil sa Aryans at Dravidians, nabuo ang relihiyong ito. Sa pagdaan ng panahon, ang dalawang pangkat ay nagsanib at nagkasundong mamuhay sa ilalim ng iisang kaayusang panlipunan. Bunga nito, nagsanib din ang kanilang mga paniniwala at doon nagsimula ang Hinduism. At mula sa Pilosopiyang ito nagsimula ang sistemang caste sa lipunang Indian.

Picture
Karma at Reincarnation- ang "Gulong ng Buhay" o "Samsara" ang sinaunang simbolo na may kaugnay na kahulugan sa Buddhism at Hinduism. Ito ay ang sumisimbolo sa siklo ng pagkapanganak, buhay at kamatayan ng isang tao. Sa pagkatapos ng isang ikot nito, naniniwala ang mga Hindu at Buddhist sa muling pagkabuhay ng isa pang buhay na ipinanganak. At ang karma naman sa salitang sanskrit ay "kilos o asal" ito ay paniniwala ng mga Hindu at Buddhist na nangagahulugang kung ano ang ginawa mo ay babalik rin sayo. Halimbawa, kapag gumawa ka ng mabuti sa kapwa mo, may mabuti ring mangyayari sayo at kung masama naman, masama rin ang babalik sayo. Gabay ng kaisipang ito, ipinangangaral din ng mga Hindu at Buddhist ang pagpapakita ng kabutihan, sa anumang adhikain ng isang nilalang.

Picture
Buddhism- ang Buddhism ay nangangahulugang "Ang Daan ng Naliwanagan." Ito ay nakatuon sa mga aral ni Buddha na namuhay noong ika-5 siglo BCE. Ito rin ay naglalahad ng isang malalim na pilosopiya na nagbibigay ng paliwanag sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa buhay ng sangkatauhan. Ang Buddhism ay isa ring organisadong relihiyon na may pangakong kasagutan sa lahat ng paghihirap at pagtitiis ng sinuman sa panahon ng kaguluhan.

Picture
Taj Mahal- ang Taj Mahal ang pangalan ng isang bantayog na matatagpuan sa Agra, India. Ipinatayo ito ng emperador ng Mughal na si Shah Jahan, anak ni Jahangir, bilang mausoleum para sa kanyang Persian na asawa na si Mumtaz Mahal. Nagtagal ng 23 taon ang paggawa nito, mula 1630 hanggang 1653. At itinuturing ito bilang obra maestra ng arkitekturang Mughal.

Picture
Templong Mahabodhi- ang Templong Mahabodhi ay matatagpuan sa Bodhgaya, India. Dito nakamit ni Gautama Buddha ang Nirvana sa ilalim ng Punong Bodhi (sa kaliwa ng larawan). Ang ibig sabihin ng Nirvana ay "pagtigil", "napawi", "natahimik", o "napahinahon". Ito ay kilala rin bilang "paggising" o "kaliwanagan". Kaya nung naliwanagan si Gautama Buddha

Picture
Arthasastra- ang Arthasastra ay ang dinulat ni Kautilya na naglalaman ng mga kaalaman sa pamamalakad at pag-iisa ng isang imperyo. Si Kautilya ay ang gumagabay at nagbibigay payo kay Chandragupta Maurya kaya sa tulong ni Kautilya at ng Arthasastra, nakapagtatag ng isang pamahalaang burukrasya si Chandragupta Maurya.

Picture
Brahma- Si Brahma ang diyos ng paglikha. Isa siya sa bumubuo  ng Trimurti kasama sina Vishnu at Shiva. Ang asawa  niya ay si Saraswati ang  diyosa ng  karunungan. Ayon sa Puranas, si Brahma ay nabuhay sa pamamagitan  ng  kanyang sarili lamang  sa isang  bulaklak  ng lotus na umusbong mula  sa pusod  ni Vishnu noong simula ng sanlibutan.

Picture
Vishnu-  Si Vishnu ay ang Supremong Diyos sa tradisyong Hinduismo gaya ng iba, ay sinasamba si Vishnu bilang isa sa mga limang pangunahing anyo ng Diyosat ang kanyang katayuang supremo  ay sinasabi sa mga sagradong tekstong Hindu. 

Picture
Bodh Gaya- ang Bodh Gaya  ay isang popular na destinasyon ng mga turista na Buddhists sa buong mundo. Ang bodh Gaya ay napakaimportante para sa mga mananampalataya Hindu. Narito ang larawan ng isa sa mahahalagang atraksyong panturista ng Bodh Gaya.  Ang “Great   Buddha statue.” Ang pangwalong rebultong talampakan ng panginoong Buddha sa isang pangunahing atraksyon  sa Bodhgaya. Ang lokasyon ng rebulto ay nasa Dhvan Mudra, ie pagninilay ayos ng buong katawan sa isang baliktad na lotus.  Ang rebulto ay gawa sa red granite at sand stone block. Ayon sa makasaysayang ebidensya, 12000 na masons ang gumagawa ng rebulto sa panahon ng pitong taon.



    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    October 2013

    Categories

    All