Picture
Magnetic Compass- ito ay natuklasan ng mga Tsino na nakapagdulot ng pagbabago sa daigdig. Ito ay ipinagmamalaki ng mga sinaunang Tsino. Bukod nito, marami pang ibang kagamitang natuklasan ng mga sinaunang Tsino na kasabay ng magnetic compass ito ay ang mga papel, pilbura at paraan ng paglilimbag. Kahit marami nang teknolohiya ang naimbento sa kasalukuyan, may mga mandaragat pa ring gumagamit nito upang malaman nila ang kanilang direksyon. Mga mandaragat na hindi kayang bumili ng ibang klaseng compass na mas madaling gamitin. Ngunit kahit lumipas pa ang mga panahon, ang magnetic compass na naimbento ng mga Tsino ay nakakatulong sa ibang tao hanggang ngayon.

Picture
Great Wall of China - Ang Great Wall of China ay ipinagawa ni Shih Huang-ti upang maitaboy ang pangkat ng mga barbarong nagnais na masakop ang imperyo. Ito ay may habang 2,500 kilometro noon pero ngayon, ito ay may habang 6,700 kilometro na mula sa Shanhaiguan sa silangan ng Tsina hanggang Lop Nur sa kanluran. Ito ay mat watchtower sa bawat sukat na 300 yarda. Ito rin ay may taas na 20 hanggang 25 talampakang taas na pader.

Picture
Imperial Highway- Ito ay ang sentro ng kalakalan. At si Shih Huang-ti ang nagpagawa nito. Dahil dito at sa mga lansangan na nagdurugtong sa malalawak na lupain, naging maunlad ang Tsina at kasabay nito ang pagpapatupad ni Shih Huang-ti ng paggamit ng magkakatulad na uri ng salapi, sistema ng pagsulat, pagpapasunod ng mga batas at pati na ang paraan ng pagsukat at5 pagtimbang.

Picture
Confucianism- Ang Confucianism ay ang Pilosopiya ni Confucius na batayan ng mga Tsino noon sa pagkakaroon ng maayos na pamahalaan. May limang pangunahing maayos na relasyon ang Confucianism, ito ay ang mga:  
  • relasyon sa pagitan ng namumuno at nasasakupan;
  • relasyon sa pagitan ng ama at anak
  • relasyon sa pagitan ng mag-asawa;
  • relasyon sa pagitan ngnakakatandang kapatid na lalaki at nakababatang kapatid na lalaki;
  • · at ang relasyon sapagitan ng magkaibigan.

Picture
Silk Road- and Silk Road ay ang matandang daang kalakalan at ito ay binuksan ng Tsina noong mahigit 2000 taon ng nakaraan. Bilang tulat sa pagitan ng Tsina at ng mga bansa sa Europa, Asya't Aprika ay gumawa ito ng mahalagang ambag sa pagpapalitan ng mga materyal at pagpapalitan ng sibilisasyon ng silanga't kanluran.

Picture
Grand Canal- ang Grand Canal ay ang mahalagang pamana ng Dinastiyang Sui dahil ito ang nagdurugtong sa Huang Ho at Yangzte River. Ito ang pinakamahabang kanal sa buong daigdig dahil nagmula ito sa Beijing hanggang Tianjin at sa mga kalapit na probinsya ng Hebei, Shandong, Jiangsu, at Zheijiang. Ito ay may habang 1,776 km at taas na 138 talampakan. Ang ibang parte nito ay napag-isa sa panahon ng Dinastiyang Sui.

Picture
Examination Hall- ang Examination Hall ay ang lugar kung saan  ang pagsusulit ay ginagawa, Ang tawag sa pagsusulit na iyon ay Civil Service Examination. Ang Civil Service Examination ay ang pagsusulit at nagiging batayan ang rasulta nito sa pagtanggap ng mga opisyal ng pamahalaan.

Picture
Ang Pilosopiya ng mga Legalista- ito ay taliwas sa kaisipan ni Confucius dahil ang mga legalista ay naniniwala sa isang makapangyarihang pamahalaan lamang ang makapagpanumbalik ng katiwasan sa Tsina. Nagsimula ito sa kanilang paniniwalang kailangan gamitin ng pamahalaan ang batas upang wakasan ang kaguluhan.

Picture
Commanderies- ang commanderies ay ang tawag sa imperyo na hinati-hati sa mga lalawigan na pinamahalaan ng piling opisyal. Itinatag ito ni Liu Pang para mas maging maayos ang pamamalakad ng kanilang pamahalaan at iniwasan niya rin ang legalistang pamaraan upang makuha ang simpatiya ng kanyang nasasakupan.

Picture
Green Sprout Act- ang Green Sprout Act ay batas para sa mga magbubukid sa Tsina na pinapautang ng pamahalaan g butil na maaaring bayaran pagkatapos ng anihan. Nakakatulong ito dahil nagtutustos ito sa pangangailangan ng iba dahil na rin sa lumalaki ang populasyon sa Tsina. Ngunit nakatulong rin ito sa mga magsasaka dahil nagkakapuhunan sila at malaki rin ang nakikita nila pagkatapos ng anihan.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    October 2013

    Categories

    All